Monday, December 27, 2010

new year's resolutions..


fact: most people's resolutions are:

number one - quit smoking
number two - lose weight

para kasing ang sarap ng feeling na, bagong taon, bagong nilalang, bagong gawain, bagong pag-uugali. pero ang pagbabago ay hindi nangyayari sa isang oras lang.. isa itong proseso.. kaya, parang wala ring silbi ang mga resolutions, kung matapos ang isang taon wala ring nagbago..

lahat tayo, may gustong baguhin sa ating mga sarili. eto ang akin:

> quit eating too much sweets, especially icecream. remember: icecream makes you FAT!

> too much facebook-ing is so NEGA. as in NEGATIVE. balance your time.

> keep your bedroom tidy as possible.

> be organized! dont mix paperclips, zippers, needles, ballpens, chopsticks into one container. organize your papers too.

> fix your closet. the clothes always look like they came straight from the washing machine.

> dont fight with your sister or brother.

> be patient with social climbers/status seekers/basageros-ras/feelers/bobos/braggarts and other people's attitudes you hate to the core! stop the urge to hit his/her face with your cellphone or the urge to poke his/her eyes *mostly 'her'* with your pen. slow down. breathe in, breathe out.


yun muna. :]


Saturday, December 4, 2010

hindi lahat..

hindi lahat ng refrigerator, may laman.

hindi lahat ng tumataya, tumatama.

hindi lahat ng mayaman, kuntento.

hindi lahat ng mahirap, naghihikahos.

hindi lahat ng okasyon, may handa.

hindi lahat ng nakangiti, masaya.

hindi lahat ng umiiyak, malungkot.

hindi lahat ng pinto, sarado.

hindi lahat ng teacher, terror.

hindi lahat ng beauty queen, maganda.

hindi lahat ng basura, mabaho.

hindi lahat ng ginto, tunay.

hindi lahat ng pelikula, nakakaaliw.

hindi lahat ng rapper, tumatalsik ang laway.

hindi lahat ng gangster, mayabang.

hindi lahat ng rakista, marunong maggitara.

hindi lahat ng kumakanta, maganda ang boses.

hindi lahat ng cellphone, may load.

hindi lahat ng nagbabasa, nakakaintindi.

hindi lahat ng kaibigan, totoo.

hindi lahat ng mag-asawa, mahal ang isat isa.

hindi lahat ng may anak, losyang.

hindi lahat ng artista, maganda/gwapo.

hindi lahat ng bading, nagme-make up.

hindi lahat ng pagkain, masarap.

hindi lahat ng kanta, maganda sa pandinig.

hindi lahat ng cake, may icing.

hindi lahat ng nagtetext, may katext.

hindi lahat ng pumupunta sa school, nag-aaral.

hindi lahat ng pumupunta sa school, natututo.

hindi lahat ng pumupunta sa school, may allowance.

hindi lahat ng nasa kulungan, kriminal.

hindi lahat ng may hawak ng Bibliya, kilala si Jesus.