dumaan ako sa national bookstore. wow, may bagong libro na nman si stephen king at james patterson. nakailang libro na kaya ang naisulat nila? nakailang salita at pangungusap na kaya sila? ilang milyong salita kaya ang nasa bokabularyo nila?
humahanga ako sa kanila, dahil hindi sila nauubusan ng salita. ako nga, gagawa lang ng journal, nauubusan pa. tas parang nagiging redundant na ung iba kong words.
mahirap magsulat. mahirap idescribe ang isang bagay. *sa kin*.
kunwari, sa mga librong james bond.
paano mo maidedescribe in words na nagsuntukan sila?
na nagbarilan at nakailag ang kalaban?
na tumalon siya mula sa eroplano at nahulog sa bangin at gumulong at nauntog sa bato?
na naka-jet ski yung isa tapos ung isa nasa chopper at nagbabarilan sila at tumama ung baril sa braso niya at masakit raw?
mahirap.
pinapangarap kong makapagsulat ng isang nobelang magiging mas mabili pa sa harry potter at da vinci code at twilight. gusto kong magsulat ng isang nobelang makakapagbago ng buhay ng mga tao, na bawat salita ay tatatak sa kanilang isipan.
ngunit, may alam akong aklat na makapagbabago ng buhay mo.
ang Bibliya. buklatin mo.
No comments:
Post a Comment