Sunday, August 29, 2010

crazy over icecream!










i dunno. this past week araw araw na akong kumakain ng icecream, about four to five cups each day.. im a bit worried! is something wrong with me?

grrrrr.. takot na ako baka tumaba ako nang pagka major major!

major major!





naging usap usapan ang naging sagot ni venus sa Q&A portion ng miss universe.

siguro ang gustong niyang sabihin is 'sobra sobra' something..

well, okei lang yan! nakapasok ka nman sa top 5!

Wednesday, August 25, 2010

hostage!







minsan mataas tingin ko sa pulis minsan hindi. minsan duwag tingin ko sa kanila minsan hindi. minsan feel ko mga bayani sila minsan hindi. minsan. ibig sabihin, hindi lahat ng pulis, duwag, kurap, kotong, palpak, brutal. kaya wag nio ring lahatin.

sa nangyaring hostage, hindi nila hawak ang mundo. hindi nila hawak ang sitwasyon. oo marami silang mali. pero un nga, kulang sila sa kagamitan. kulang kasi sa budget. dahil ibinulsa ni?

nagsabog ng tear gas, wala nmang gas mask.

nagdala ng maso, kinaya ba ung bintana ng bus?

may walang helmet.

may walang bulletproof vest.

atleast inamin nila ang mali nila at hindi naghugas kamay.

kung sana pinagbigyan ang kahilingan ni capt. mendoza na magdala ng media dun. ang sabi nila hindi raw dpat media ang nakikinegotiate sa hostage taker. leave it to the experts daw. ang tanong. may nagawa ba ang mga experts na yan?

hindi rin magandang bigyan ng ibang kahulugan ang S.W.A.T. like = Sugod. Wait. Atras. Tago. or Sorry Wala Akong Training. well, nakakapagpababa kasi un lalo sa imahe ng ating kapulisan at ng pilipinas. kaya wag na nating idown ang ating kababayan. lalu pat mga dayuhan ang naging mga biktima.

minumura na tayo. pati ngiti ni noynoy pinansin din. *ewan ku rin dun* ibig sabihin tutok talaga lahat ng tao sa balita tungkol dun. sana yang mga bumabatikos sa kapwa pilipino tumahimik na lang, dahil lumalala lang ang lahat.

tsk. tsk. tsk.

Tuesday, August 17, 2010

writers..

dumaan ako sa national bookstore. wow, may bagong libro na nman si stephen king at james patterson. nakailang libro na kaya ang naisulat nila? nakailang salita at pangungusap na kaya sila? ilang milyong salita kaya ang nasa bokabularyo nila?

humahanga ako sa kanila, dahil hindi sila nauubusan ng salita. ako nga, gagawa lang ng journal, nauubusan pa. tas parang nagiging redundant na ung iba kong words.

mahirap magsulat. mahirap idescribe ang isang bagay. *sa kin*.

kunwari, sa mga librong james bond.

paano mo maidedescribe in words na nagsuntukan sila?

na nagbarilan at nakailag ang kalaban?

na tumalon siya mula sa eroplano at nahulog sa bangin at gumulong at nauntog sa bato?

na naka-jet ski yung isa tapos ung isa nasa chopper at nagbabarilan sila at tumama ung baril sa braso niya at masakit raw?

mahirap.

pinapangarap kong makapagsulat ng isang nobelang magiging mas mabili pa sa harry potter at da vinci code at twilight. gusto kong magsulat ng isang nobelang makakapagbago ng buhay ng mga tao, na bawat salita ay tatatak sa kanilang isipan.

ngunit, may alam akong aklat na makapagbabago ng buhay mo.

ang Bibliya. buklatin mo.

Thursday, August 5, 2010

omg! toxic!

i wonder who coined the term 'toxic' - as in stress, kapagod, busy busy, hectic, magulo, nakakataranta, nakakadugo ng ilong, nakakabobo, nakakastupid.. *among nursing students*

duty namin, august 4-6[7] 11-7, grabe. hindi nman matatawag na toxic, ung 7-3 ung as in nakakapagod,


pero ang 11-7 kase nakakabrain drain, walang tulog,

tas pag-uwi gagawa ng NCP, journal

sandamakmak na papel sa mesa,

sandamakmak na bukas na mga super kapal na mga libro,

sandamakmak na bukas na website sa tabs mo..

ewan..

sana nman hindi tumanda ang mga mukha namen nito nang wala sa oras..

ang sleep deprivation din kase nakaka-hasten ng aging ng mukha.. *wag nman sana*..

tas nakakasira din siya ng ulo nakakasira ng neurons!


so help me Lord..

puyatan na nman!